Apat na taon mong pinuhunan, Iisang exam lang ang makakapagdesisyon ng iyong kapa;aran o FATE. Oo nga alam namin, nakakainis, nakakaburyon, nakakaburat. Bakit nga ba ganun APAT na taon mong pinaghirapan. iisang exam lang ang makakpagsabi kung ikaw ay magiging NARS o HINDI.
Naalala ko nung unang araw ako pumasok sa CHINESE GENERAL HOSPITAL COLLEGE OF NURSING, noong taong 2007. Tinanong ko ang sarili ko, makakapasa kaya ako, gagraduate ba ako o makukuha ko ba diploma ko? Lumipas ang taon, kasabay ng paglipas ng taon ay ang pagiging madunong mo at pagtubo ng bigote mo.
Dumating ang GRADUATION, Salamat sa DIYOS at pinagkaubaya nya sayo ang isang degree na masasabi mong sa'yo at wala ng makakaagaw dito. pero hindi pa pala doon nagtatapos ang lahat eto pa ang nalalapit na NURSING LICENSURE EXAM, ayan na! Review, Review at REBYU! Wala ng ibang dapat gawin kundi mag aral mag aral at mag aral.
Salamat sa IRC, na talagang nakabantay sa amin, nakagabay at walang sawang pinupurnido, tinuturnilyo ang aming mga kaisipan. Syempre nagsisilbi itong malaking hamon sa amin, dahil puro 100% ang CGHCN. Anak ng! Sumasakit ulo namin!
Dumating na ang biard exam, Dalawang araw ng suntok sa buwan na exam! Di ko alam! nanlalamig ako pinagpapawisan. PUNYETANG PRC yan, sa PUBLIC SCHOOL pa ako naassign, at ang pagtirik ng araw, panalo. Ang pawis ko ay parang luha ng iyak ng sanggol na humahagulgol dahil nagugutom.
Pucha, ang hirap ng exam!! Di ako papasa, magtatago na ako sa lahat. Mga salitang naglalaro sa utak ko, pagkatapos ng exam. Ibang klase mula sa kagat ng bubuyog, kagat ng ahas at pati mga tanong na pang ESSAY. Hanggang sa NP5 na napakalupit.. CRISIS!! lol
Pero pagkatapos ng exam, masaya ako, kasi TAPOS na. :) May mas mahirap pa pala dun at yun ang mag antay ng resulta ng exam. Nakakakaba. ang sakit sa ulo. Dumaan ang buwan, nagkaroon ako ng trabaho sa STARTEK bilang CSR ng AT&T. Hanggang isang hapon ng Agosto 20, 2011. Inilabas ang resulta .......... at 100% daw kami. Pagkasabi pa lang nun, napaiyak na ako, sinundan pa ng mraming CONGRATULATIONS sa facebook kahit sa aking cellphone. Na nagsasabing Pasado ka, RN KA NA!! Napamura ako!! PUCHA!! totoo ba, hanggang ako na nga ang kumumpirma...
AYAN! Ang malupit kong pangalan sa malupit na propesyon!! panalo! HAHAHA!! ngayon napapangiti na lang ako. Gusto ko magpasalamat sa DIYOS, PANALO KA!!!! At sa lahat ng mga banal na tumulong sa kin, Sa birhen ng Maria. Na talagang nakagabay sa akin, salamat! AT sa lahat ng nagdasal sa akin mula sa aking pamilya hanggang sa aking mga kaibigan. Kung hindi dahil sa mga dasal niyo, hindi ko maabot to. At salamat sa sarili ko, at nagawa kong patunayan ang aking sarili sa harap ng mga mapangmatang indibidwal na walang ibang ginawa kung hindi manghusga ng kapawa.
HAY NAKU! NARS NA NGA!!! Oo marami pa ang pwedeng mangyari pagkatapos ng gabing ito. Madami pa akong daang tatahakin. Marami pang pupuntahan, makikilala, ang masasabi ko lang BAHALA NA, nandyan naman ang DIYOS nakatingin lang, nakagabay! Kaya ayos na ako dun. :)
CONGRATULATIONS SA NEW SET NG MGA NURSES!!! MABUHAY!
No comments:
Post a Comment