5/30/2011

Usapang yearbook

Nakakatamad, yan ang mga salitang aking pwedeng isumbat sa aking nararamdaman ngayon sa paggawa ng isa sa pinakamagarbong yearbook. Ang hirap hirap pala sa pakiramdam na hawakan ang isang komite at magedit ka ng mga artikulo para sa 340 na katao. Oo, ako'y nakapako ngayon sa isang responsibilidad na talaga namang nakakatamad, ang pagiging editor-in-chief ng aming yearbook sa isang institusyong ginagalang sa larangan ng Nursing, CHINESE GENERAL HOSPITAL COLLEGE OF NURSING.

Ang masaklap pa nyan, ay wala pa akong masyadong nasisimulan, ako ay bago pa lang sa ganitong larangan, wala pa ako nalilimbag na isang sulatin sa.buhay ko... Tapos magboboard.exam pa. Ayan na ang mga challenge na aking kinakaharap ngayon.. ang hirap... Siguro ay pansin nio na wala na akong ibang ginawa kung hindi ang magreklamo. hahaha. siguro nga ay dahil tinatamad ako.

Ayun na muna siguro.. hanggang sa huli..Salamat

No comments:

Post a Comment